v 18.0
Agosto 15, 2002  

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Sino ang Matsing?
Ni Rodel Mayores

KARAMIHAN SA atin ay pamilyar na sa mga pabula ng ating dakilang bayaning si Dr. Jose Rizal. Isa sa mga pabula niya ay ang tungkol sa magkaibigang pagong at matsing.

Minsan, habang namamasyal ang magkaibigang pagong at matsing ay nakakita sila ng isang puno ng saging. Napagkasunduan nilang paghatian ito. Ang matsing, palibhasa'y tuso at mapanglamang ay pinili ang bahagi na may bunga. Sa loob-loob niya ay iba na yaong may bunga para may pakinabang na agad sya. Pinili nito ang itaas na bahagi kasama ang mga dahon.

Samantalang ang pagong ay pinili ang ibabang bahagi na may mga ugat. Kanilang itinanim ang kanilang napaghatian. Lumipas ang mga araw at dumami at nagsipamunga ang ang itinanim ng pagong samantalang ang sa matsing ay namatay.

Karamihan sa atin ay may ugaling matsing. Mas pinipili natin ang makita agad ang kaunlaran, "ika nga ay kita na ang ebidensya" na hindi man lamang iniisip kung ano ang magiging epekto nito sa kalaunan. Kabilang na rito ang mga sumusuporta sa Mutual Logistics Support Agreement. Katwiran at pananggalang nila ay mapapasa-atin o di man ay matututunan natin ang pagpapatakbo ng mga makabagong kagamitang pandigma ng mga sundalong Amerikano. Hindi man lang nila iniisip ang magiging epekto nito sa kalaunan, gaya ng mga mamamayang maaaring magiging biktima ng pang-aabuso ng mga dayuhang kawal na ito. Hindi rin nila alintana ang posibilidad na madamay tayo sa mga giyera ng Estados Unidos.

Hindi na tayo natuto sa ating kasaysayan at tila gusto pa nating maulit ang nakaraan.

Ngunit may ilan din namang tumatayo sa katwiran. Nagmistula silang pagong na di tumitingin sa agad na kaunlaran kundi sa kaunlarang tatamasahin sa hinaharap na mas magiging kasiya-siya para sa lahat. Pinili nila ang mas angkop at tamang paninindigan sukdulan man na mapaalis sila sa kanilang puwesto sa kasalukuyang gobyerno. Hindi na natin kailangang sabihin ang kanilang mga pangalan, kilala na natin sila.

Ngunit mayroon lang akong pinagtatakhan. Ito ay ang direksiyong tinatahak at ang mga desisyon ng kasalukuyang lider ng ating bansa. Ano kaya sya, matsing?

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Mga Bayaning Inaapi, Etc.

SA ISYUNG ITO
Survivor: Senate
Utopia and Related Proposals

By Dennis Aguinaldo

Poverty and Corruption in the Philippine Bureaucracy
By Jayson Edward B. San Juan

Silent Scream
Ni Aika Pascual

Sino ang Matsing?
Ni Rodel Mayores

Longest Punishment
By Lilith Mae Orola

Paalam, Maximum Tolerance
Ni Armando Sinaglahi

KOLUM
Daluyong
Mong Palatino

Ligalig
Garry Rectin Lazaro

Alipato
Alexander Martin Remollino

BAYANI
Pagbagsak ng Isang Tala
May Isang Opisyal

NATATANGING TAMPOK
Jose Garcia Villa Makes It to: World Poetry: An Anthology of Verse from Antiquity to Our Time

By Alberto Florentino

MAIKLING KUWENTO
Kulob
Ni Rayts dc

PITAK
Greenpeace Ship Gives Lessons on Climate Change, Renewable Energy Alternatives
By Alfred A. Araya, Jr.

Rebellion in Catanduanes
By Perry M. Calara

Anti-Terrorism Bill: Another Attack on Civil Rights
GMA: Resurrection of Marcos --PCPR

TULA
Anak
Ni killerpogi
Tuta
Ni Alexander Martin Remollino
Tusok ng Karayom
Pasyon Para kay Lola Remedios

Ni Audrey Mae Alba
Imik/Himig/Himagsik
Ni Carlos Piocos III
Babala
Ni Ana Invicta

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved